LYRIC
Umiibig ako sa isang nilalalang na wala ng kalayaan
Sa batas ng tao at sa batas ng diyos di ko siya maaaring angkinin
Kapwa taos sa puso ang aming pagsuyo
Di namin sinadya kami’y magkatagpo
Sumibol sa dibdib bawal na pagibig
Na maituturing kong tangging ligaya ko
Umiibig ako sa isang taong wala ng kalayaan
Bakit nangyari pang kami’y pinagtagpo nang ating maykapal
Umiibig ako unang pagibig ko bakit siya pa
O diyos ko sadya bang ganito ang umibig ng tapat luha ang dulot nito
Kahapon, Kagabi kami ay nagkita upang wakasan ang lahat
Kapwa lumuluha kay hapdi ng sugat ngunit wala kaming magagawa
Paano kung lilimutin suyuang kay lambing na sakanya ko lang natagpuan
Hahanap-hanapin ko halik nyang kay tamis at mga yakap na anong higpit