LYRIC
Hoy, hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
Nun’ tayo’y nagsasama?
Hoy, hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
Ang iyong mga sinabi nung ako’y may problema?
Sabi mo, lahat ng problema’y kayang lampasan
Basta’t tayo’y nagsasama, at nag-iinuman!
Hoy, hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
Nung ako ay na-kick-out kasi daw ako’y tanga, TANGA!
Hoy, hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
Noong ako ay napalayas ng aking ama’t ina
Mangiyak-ngiyak, na’ko pero sabi mo ay Okay lang yan!
Basta’t tayo’y nagsasama, at nag-iinuman!
Kaya naman ako bilib sa iyo
Kasi parang napakatibay mo
Lahat ng iharang ay kaya mong daanan
Basta’t mayroong bentang alak diyan sa may tindahaaaaaaaan!
Hoy, hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
Nung araw na na-dedo ang aso mong si Morlock?
Hoy, hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
Nung ika’y tumawag sa’min at ika’y umiiyak…
Tapos… pagkatapos no’n, kay tagal mong nawala
Nagulat na lang ako, nung narinig ko ang balita
Akala ko pa naman na marunong kang magdala
Nalaman ko na lang, na ika’y nagpakamatay na
Hoooy Buloy
Nasaan ka man
Siguradong kawawa ka, malamang walang alak diyan
Hoooy Buloy
Nasaan ka man
Siguradong hindi ka namin malilimutan
Hoy, Buloy, Buloy, Buloy
Hoy, Hoy, Buloy, Buloy, Buloy
Hoy, Hoy, Buloy
Para bang nalimot mo na ang iyong mga sinabi nung ikaw ay buhay pa