LYRIC
Nang ikaw ay makita,
di ko akalain
Pag-ibig ay madarama pa rin
Sinabi ko sa sarili,
na ika’y mamahalin
Kahit mahirap man ay tatanggapin
Nakaraan ay lilimutin,
Ikaw ay iibigin pa rin…
Buhay ko’y ikaw, langit sa piling mo…
Pinaglalayo man ng mundo
Di na bibitiw sa iyo
Buhay ko’y ikaw, ang tanging ligaya ko…
Pangakong di ka iiwan
Iibigin ka…
Kailan pa man…
Pilit pinaglalayo,
Nasasaktan ang puso
Ngunit ako’y di magbabago
Mananatili ang pangako
Sa yo’y magtitiwala
Kahit anuman ang sabihin ng iba
Ikaw pa rin sinta
Di na mawawalay sa yo…
Buhay ko’y ikaw, langit sa piling mo…
Pinaglalayo man ng mundo
Di na bibitiw sa iyo
Buhay ko’y ikaw, ang tanging ligaya ko…
Pangakong di ka iiwan
Iibigin ka…
Kailan pa man…
Sa ‘yo ako’y di lalayo
Buhay ko’y ikaw….
Buhay ko’y ikaw, langit sa piling mo…
Pinaglalayo man ng mundo
Di na bibitiw sa iyo
Buhay ko’y ikaw, ang tanging ligaya ko…
Pangakong di ka iiwan
Iibigin ka…
Kailan pa man…