LYRIC

Ako’y naririto nagbabanat ng buto
Sa mainit na siyudad sa bansa ng Arabyano
Anong hirap talaga ang kumita ng pera
Kakapal ang ‘yong kamay masusunog pa ang kulay

Sa aking pagtulog ang laging iniisip
Bumilis na ang araw upang ako’y makabalik
Itinigil ang bisyo alak, sugal, sigarilyo
Upang makaipon magtitiis na lang ako

Napakasakit, Kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit, Kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin

At ako ay natuwa sumulat ang aking anak
Ako ay nabigla at agad ay lumuha
Itay, umuwi ka, dalian mo lang sana
Si Inay ay may iba
Nagtataksil sa ‘yo ama

Napakasakit, Kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit, Kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin

At ako ay umuwi, gabi na nang dumating
Ang dal’wa kong anak sa malayo nakatingin
Mata’y namumula, halos nakapikit na
Ang kanilang kamay may hawak na marijuana

Ngunit ang masakit, ako’y nagtataka
Dalawa naming anak bakit ngayon ay tatlo na
Mahal kong asawa may kasama na s’yang iba
Ang lupit naman, dala pa ang aking pera

Napakasakit, Kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit, Kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin

Napakasakit, Kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit, Kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin

Added by

PinoySongHits

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT

VIDEO