LYRIC

Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang indak ng mga bumbilya
Kikindat – kindat, kukurap -kurap
Pinaglalaruan ng inyong mga mata

Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang kurap ng mga bituin
Kikindat – kindat, kukurap -kurap
Tumitibok-tibok, sinisinok-sinok
Koronahan ng palarang bituin

Iba’t – ibang palamuti
Ating isabit sa puno
Buhusan ng mga kulay
Tambakan ng mga regalo

Tumitibok-tibok, sumisinok – sinok
Wag lang malundo sa sabitin
Pupulupot-lupot paikot ng paikot
Koronahan ng palarang bituin

Dagdagan mo pa ng kendi
Ribon, eskosesa’t guhitan
Habang lalong dumadami
Regalo mo’y dagdagan

Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang kurap ng mga bituin
Tumitibok-tibok, sumisinok – sinok
Koronahan ng palarang bituin

Dagdagan mo pa ng kendi
Ribon, eskosesa’t guhitan
Habang lalong dumadami
Regalo mo’y dagdagan

Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang kurap ng mga bituin
Tumitibok-tibok, sumisinok – sinok
Koronahan mo pa ng palarang bituin

Added by

PinoySongHits

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT

VIDEO