LYRIC
Masakit sa akin ang isipin na wala ka na
Parang ‘di ko kayang magpatuloy nang nag-iisa
‘Di ko inakalang darating sa atin ang ganito
Ang mabuhay nang wala sa piling mo
Kay hirap namang tanggapin na mawawala ka na
Kay sakit namang isipin na ako’y iiwan mo na
Dahil ‘di ko kaya ang mawalay ka sa buhay ko
Naglaho ang lahat magmula nang ako’y iniwan mo
Sinubukan kong limutin ang ating nakaraan
Mga sugat ng damdamin ang aking nakakamtan
‘Di ko inakalang darating sa atin ang ganito
Napakasakit isipin na wala na ang pag-ibig mo
Kay hirap namang tanggapin na mawawala ka na
Kay sakit namang isipin na ako’y iiwan mo na
Dahil ‘di ko kaya ang mawalay ka sa buhay ko
Naglaho ang lahat magmula nang ako’y iniwan mo
Kung maibabalik ko lang sana ang ikot ng mundo
Sa piling mo mahihimlay sa habang panahon

Iniwan mo