LYRIC

Hindi ko na sana pinagmasdan
Ang iyong ganda
At hindi na rin pinansin pa
Bawat ngiti mong may gayuma

Dahil sa akala ko hindi ako iibig sa ‘yo
Ikaw pala ang aakit
Sa puso ko

Kaya ngayo’y laging gulong-gulo
Ang puso ko’t isipan
Araw gabi ay pangarap ka
At sa tuwina’y nababalisa

Dahil ba ang puso ko’y
Labis na umibig sa ‘yo
Hanggang kailan matitiis
Ilihim ang pag-ibig ko

Ano ang gagawin sa utos ng damdamin
Para bang hangin na kay hirap pigilin
Sana’y unawain ang pusong sa ‘yo’y baliw
Nais kong malaman mo na iniibig kita

Hindi ko na sana pinagmasdan
Ang iyong ganda
At hindi na rin pinansin pa
Bawat ngiti mong may gayuma

Dahil sa akala ko hindi ako iibig sa ‘yo
Ikaw pala ang aakit
Sa puso ko

Ano ang gagawin sa utos ng damdamin
Para bang hangin na kay hirap pigilin
Sana’y unawain ang pusong sa ‘yo’y baliw
Nais kong malaman mo na iniibig kita

Nais kong malaman mo na iniibig kita
Nais kong malaman mo na iniibig kita

Added by

PinoySongHits

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT

VIDEO